SENTRO’s CBAASC Candidates Q&A

The following is a transcript of the HERALDO FILIPINO’s interview with SENTRO La Salle’s candidates for the College of Business Administration and Accountancy Student Council.

 

SENTRO La Salle’s CBAASC candidates are:

President: John Marlvil Badilla
Vice President: Charlene Franco
Secretary: Jonard Lumba
Treasurer: Christine Cadag
Auditor: Nicole Pinto De Jesus
Business Manager: AJ Trinidad
PRO: Kristine San Jose

 

HOW IMPORTANT FOR YOU IS RUNNING AND WINNING IN THE ELECTIONS, RATHER THAN BEING APPOINTED?

 

Badilla (CBAASC President): For us, as one slate, mas okay ‘yong manggagaling sa isang political party ‘yong opportunity na makatakbo and manalo kaysa doon sa maa-appoint. Bakit? Kasipag galing ka sa isang political party, siyempre naka-prepare ka ng platforms mo, nakapag-prepare ka ng specific activities para sa mga estudyante; and kapag appointed kasi hindi naman natin maiiwasan na paano kapag hindi naman siya palayong qualified talaga, paano kapag nakitaan langnatin siya noong umpisa, paano kapag napaupo na pala siya doon sa posisyon na in-appoint lang sa kanya atdi niya pala kaya and worse case is paano kapag wala siyang mape-present, mapapakitang activities para sa mga estudyante compared sa isang political party na may nabuong slate na for sure na-train ‘yong candidates nila and nakapag-prepare talaga ng activities para sa mga estudyante.

 

Lumba (CBAASC Secretary): Karapatan siyempre ng mga estudyante na pumili kung sino ‘yong gusto nilang maging susunod na leaders sa konseho. Kasi siyempre sila rin‘yong magbe-benefit no’ng platforms and ‘yong plans na gagawin namin. Kagaya ng sinabi ng aming President, what if ‘yong na-appoint [ay] wala namang concrete plan or kung mayroon man what if sa umpisa lang pala.

 

WHAT PRESSING COLLEGE ISSUE DO YOU THINK NEEDS MORE ATTENTION RIGHT NOW?

 

San Jose (CBAASC PRO): Tingin koyong increase on tuition. Kasi nagtataas nga ‘yong tuition fee pero hindi nararamdaman ng students. Tapos hindi rin siya kita kung bakit nga ba nagtataas? Para lang ba to sa beneficial ng ganyan? So ‘yon ‘yong parang pinaka-issue. Tapos, if I can add pa is ‘yong hindi pagiging active ng students pagdating sa ganitong scenario. ‘Di lang din ditto, kundi pati sa events din kasi tinatamad din sila pumunta. So, ‘yong ang napunta kong pressing issue.

 

Cadag (CBAASC Treasurer): Another is, if we win as a slate, kunwari straight SENTRO siyempre uupo kami sa council pero pagdating sa point na nando’n na kami, we should practice na maging non-partisan. Kunwari for the next elections kasi, you have to let the candidates do the work themselves. They have to work hard for it na hindi porke’t… for example, kunwari nga nakaupo kami and the next SENTRO slate na tatakbo, we have to let them do it. Hindi namin sila i-spoonfeed. For me, ‘yonyong nangyayari sa college namin.

 

Lumba (CBAASC Secretary): Kung mabibigyan kami ng chance na makaupo, siguro ‘yon ‘yong isa sa mga hindi namin hahayaan magkaroon ng bias dahil hindi porke’t SENTRO po kamidi na po kami magiging open sa ibang political party or ibang independent party na gusto pong mag-voice out para sa mga estudyante. And para sa akin, ‘yong isang bagay na nakita ko pong issue sa college namin is ‘yong transparency which is ‘yong sinabi nga po ni Ms. Kristine San Jose na oo, magkakaroon nga ng tuition hike pero makikita at mararamdaman po ba talaga ng estudyante ‘yong hike na ‘yon? Kumbaga mas maganda po na kung tataas man siya, makikita at mararamdaman po nila kung saan po napunta ‘yong pera po na tumaas.

 

Franco (CBAASC Vice President): In addition lang po sa tuition fee, as expected naman na talagang tataas kasi we don’t have incoming freshmen. If puwede, parang mag-meet na lang ‘yong needs ng admin and the students halfway so it would be fair both sides, hindi lang ‘yong admin, so others would benefit. At least half mag-meet ‘yong interests and ‘yong need ng buong administration and the students as well.

 

IF YOU WIN IN THE ELECTIONS, HOW ARE YOU PLANNING TO IMPLEMENT YOUR PLANS AND PLATFORMS? WHICH PLAN OR PLATFORM WOULD YOU PRIORITIZE FIRST?

 

Lumba (CBAASC Secretary): Siguro isa sa plataporma namin as slate na uunahinnaming pagtutuunan ng pansin ‘yong relationship ng students sa Student Welfare Office (Student Wellness Center). . Alam po natin sa panahon ngayon na kagaya po nang nangyari sa fellow Lasallian po natin sa COEd  na nagano po siya dahil po sa stress, depression. Alam naman po natin na may masama pong nangyari. Siguro uunahin po namin ‘yon kasi hindi lang po kailangan ng mga estudyante ng council na magbibigay po sa kanila ng mga events o kung ano pang kailangan nila. Kailangan nila din ng guidance sa’min po and in partnership with the Student Wellness Center.

 

Badilla (CBAASC President): Aside from that, siyempre as a council, as part of the political party, one of the needs and one of the wants ng isang estudyante are the activities. Not just the parties, not just the seminars. Para sa ‘min okay ‘yong sa Student Wellness Center na talagang na-po-provide-an namin sila ng assistance, ng guidance pagdating sa emotional aspect ng buhay nila but at the same time we also want to give them the chance na makapag-enjoy, magkaroon ng isang balanseng student life. Kasi parang napapansin po namin ngayon na parang bakit sa umpisa ng semester ando’nyong mga event pero hindi na-fi-feel ng mga estudyante. Then pagdating mo sa kalagitnaan nawawala tapos kapag parating na ‘yong mga importanteng events like election, bubuhos na naman ‘yong mga events kaya parang hindi na-fi-feel ng mga estudyante na nagbabayad ba talaga ako ng pera? Tapos ‘di ba ‘yong pera namin (students) ‘yong ibang parte napupunta sa council kasi ‘yon ‘yong nagpo-provide sa kanila ng funds, so bakit hindi namin nararamdaman? And I think, it’s part of the… para ma-boost or para ma-provide-an namin sila ng kailangan nila as a student.
 

WHAT QUALITIES OF THIS YEAR’S CBAASC DO YOU THINK NEEDS IMPROVEMENT NEXT YEAR? AND HOW DO YOU PLAN TO DO THIS?

 

San Jose (CBAASC PRO): Tingin ko ‘yong alamin nila kung ano talagayong gusto ng students pagdating sa activities, seminars. Kasi one time nagtanong ako sa students kung ano ‘yong pagkukulang nila (CBAASC)? Anong gusto pa nilang i-improve sa council, iko-consider for a room for improvement? Sabi nila (students) seminars na magbe-benefit sila na hindi kailangan ng, “Uy required ‘to.” Kasi ibo-block ‘yong portal—panakot, may plus points kapag pupunta. Ang gusto namig i-implement is gagawa kami ng event for the sake na gusto nila. Sila ‘yong pupunta. Sila ‘yong kumbaga magsasabi na, “Uy gusto ko ‘to.” Parang self-marketing nga kumbaga.

 

Lumba (CBAASC Secretary): Add ko lang, kumbaga hindi kami gagawa ng event na para sa ‘min sa tingin namin ‘yon ‘yong dapat at ‘yon ‘yong tama. Pero para sa ‘min kasi importante ‘yong boses ng mga estudyante kung ano talaga ‘yong gusto nila at kailangan nila. Kaya, ang gagawin po namin if ever na magkakaroon po kami ng event, i-a-ask po namin sila kung ano po talaga ‘yong interest nila at mga kailangan po talaga nila para po at least, ipa-require man po namin o hindi, nando’n ‘yong willingness po nila na pumunta at makinig po do’n sa magiging seminar or event.

 

Franco (CBAASC Vice President): Additional lang din, widest dissemination of information. Kung kailangan na from room to room mag-promote kami ng event, room to room makapag-inform kami kung ano man activities ‘yong mayroon. Kailangan ding mag-post ng i-maximize ‘yong bulletin board. ‘Yong board sa room magpo-post kami ng mga publications and anything para from time to time na-a-aware sila na may upcoming activity, may upcoming event. Hindi ‘yong parang ‘di lang kami magre-rely on online but person to person approach na lang din so that we can encourage and we can ensure the active student involvement.

 

San Jose (CBAASC PRO): In addition lang din, parang kumbaga ‘yong mga student may say sila. Kasi ‘yon nga napansin ko din sa past SC—ay current pala rather. May committees din na parang feel nila ‘di sila important, less important sila. Although important sila pero parang feel nila less important sila. Siguro ‘pag kami ‘yong nakaupo, ipaparamdam naming na hindi lang sila committee, they’re part of the org itself, they’re part of the council na maparamdam na pamilya tayo dito, tulungan tayo para mas maging successful ‘tong term na ‘to.

 

Lumba (CBAASC Secretary): And ‘yon po, hindi lang po within the committees para sa ‘min po kasi, dahil po magkakaroon ng snap elections, mapapaupo po kami dahil po sa mga estudyante di po dahil inappoint po kami. Kaya kung sakali bibigyan kami ng pagkakataon makaupo, ‘di kami kikilos na parang kami ‘yong boss nila. Bale sila ‘yong magiging boss namin. Kumbaga kung ano ‘yong gusto nila at kailangan nila ‘yon ‘yong ipa-prioritize namin.

 

Cadag (CBAASC Treasurer): For me, we have to hear the students out. We have to hear them out [kasi] parang ako, as a student of CBAA itself, parang, SENTRO ako e, parang gano’n ‘yong nangyayari. SENTRO ako so hindi ako pinapakinggan. Parang ‘yon nga may bias, parang ibang tao kami. Part kami ng CBAA pero ibang tao kami.Kung sa isang class kami ‘yong outcast. Like for example, kulang ‘yong information na ibibigay sa ‘yo. Hindi ibibigay sa’yo lahat kasi hindi ka nga part no’n parang gano’n.

 

Trinidad (CBAASC Business Manager): For me, additional lang, once man din na mapaupo na kami and mabibigay siguro namin ‘yong tamang trabaho para sa konseho unlike, sa current [council], parang wala kaming nakikitang progress. And pagdating sa sponsorships, siguro lahat kami kikilos para mas maging masaya ‘yong magiging parties, ‘yong magiging events para sa CBAA and magugustuhan talaga ng students, unlike, puro paasa na lang and puro certificates na lang gano’n.
 

WHY DID YOU USE THE HASHTAG #CBAAREVIVE IN YOUR CAMPAIGN? WHAT DO YOU WANT TO REVIVE IN YOUR COLLEGE?

 

Lumba (CBAASC Secretary): Alam natin last school year which is ‘yong term nila Ate Audry Vallejo, noong time nila first year ako no’n. Noong na-experience ko ‘yong ganon, ang sarap pala maging college student. Sobrang balanced ng student life and social life namin na mayroon kaming seminar at the same time mayroon kaming event na talagang interest namin. Kumbaga kahit mismo kami, hindi na kami nila sabihan na required or bibigyan kami ng incentives para pumunta. Kami na mismo ‘yong gugustong um-attend kasi interest namin ‘yon. And kaya ‘yong revive kasi ‘yong CBAA alam natin na-award-an ‘yong student council [ng CBAA 2015-2016] as Student Council of the Year, so ‘yon ‘yong gusto naming i-revive na bumalik ‘yong sparks sa CBAA.

 

Badilla (CBAASC President): In addition po do’n kung bakit “CBAA Revive”, before we came up with that hashtag siyempre nagtanong-tanong din po kami and napapansin din naman po namin na kapag nagpo-post po ng publications ‘yong CBAA Student Council page—nagpo-post sila tapos after ng event ganito ganyan, nakikita namin ‘yong mga estudyante nagco-comment. Nakikita namin ‘yong mga feedback nila hindi okay. Parang, “Hala, bakit ganito na naman? Bakit nagbago na naman?” Tapos, “Bakit paiba-iba na lang ‘yong information? Bakit ‘di kami nag-e-enjoy?” ‘Yan, parang gano’n, ‘yon ‘yong nag-motivate, nag boost sa amin na bakit hindi natin ibalik kung ano ‘yong nagawa ng former CBAA Student Council which is ‘yong panahon pa nila Ate Audry Vallejo at ni Kuya Marvin Olivarez na parang sobrang saya, sobrang sigla na mararamdaman mong estudyante ka pero hindi ka stressed kasi balanse ‘yong buhay mo.

 

WHAT PARTICULAR RIGHT OF AN ACHIEVER WILL YOU FIGHT FOR ONCE ELECTED? HOW WILL YOU DO THAT?

 

Badilla (CBAASC President): As a slate, para sa ‘min, first, it is the right to be heard. Kasi para sa ‘min kapag estudyante ka, kapag nabibigyan ng kasagutan ‘yong katanungan mo as a student, kapag napapakinggan kung ano ‘yong sinasabi mo, ‘yong opinons and suggestions mo; nabibigyan ka rin ng chance na maging part ng isang council. Nabibigyan ka ng chance na maging part ng isang college. Bakit? Kasi kapag for example ako or kami, kapag nagtatanong kami ‘di ba parang sabi nga nila kapag mas curious ka, kapag matanong ka ibig sabihin parang ‘yon ‘yong mas interesado ka, ‘yong mas natututo ka. And para sa ‘min ‘yong mga estudyante deserve nila na mapakinggan. Bakit? Kasi it is our responsibility also to hear all those things na sasabihin nila para sa ‘min. Bakit? Kasi hindi lang naman ‘yon para sa improvement lang ng council kundi para ‘yon sa improvement nila. Kasi kami ‘yong magpo-provide ng activities na gusto po nilang makuha, gusto po nilang matanggap. And for us, siguro ‘yon ‘yong una, ‘yong right to be heard.

 

Cadag (CBAASC Treasurer): In addition, right to be heard na kahit anong sabihin nila sa amin may it be positive or negative we have to take it kasi ‘yon ‘yong nakita nila, mali or tama tatanggapin namin. Parang two-way relationship na nag-improve kami kasi nalaman namin kung ano ‘yong mali sa ginawa namin at the same time, na-improve sila (students) kasi parang mabibigay na namin ‘yong gusto nila if ever na ‘yong gusto nilang ma-address is parang mabibigay namin.
 

WHAT IS A LEADER?

 

San Jose (CBAASC PRO): As a student leader, I think a leader is someone that a student is looking up to. Kumbaga ang leader, siya kasi ‘yong nagli-lead sa mga taong… parang mga sheep tapos I am that someone who is leading the sheep. Kumbaga ako ‘yong taong, considering, ako ha student leader ako, ako ‘yong gusto ko is maging better, is maging successful ‘yong platforms ko. Gusto ko maging successful ang mga gusto kong patunayan. Gusto kong maging successful ang kolehiyong aking tinatayuan. So if I were to answer the question po, “What is a leader?” A leader is someone who is willing to give all para maging successful ang isang bagay—willing na matuto, kumbaga kahit mali man matuto siya para maging better siya at maging successful siya in the near future po.

 

Trinidad (CBAASC Business Manager): A leader is willing to sacrifice everything para makatulong sa students and gagawin lahat para ma-improve din lahat. And also, as a leader din, lahat ng platforms namin sisiguraduhin namin mapapatupad namin.

 

Cadag (CBAASC Treasurer): A leader is, as a student leader, nagsisilbing voice ngestudyante and not their boss. Parang you have to pull them up. Pero as a leader, you don’t have the privilege na parang under mo sila. Pero kung nakikita mo na they’re on their lowest low as a student, you have to bring them up. Parang hindi nila mararamdaman na pinapasunod mo lang sila dahil ikaw ‘yong nakaupo diyan. Ikaw ‘yong magsisilbi na makikinig ka sa kanila. So, kung feeling nila wala silang karapatan magsalita sa taas, if you hear them out ikaw ‘yong magsilbing voice para sa kanila.

 

Lumba (CBAASC Secretary): A leader is someone you can depend on. A leader is someone who pulls you up not to pull you down. Kumbaga nasabi ko ‘yon kasi as a leader, hindi ako dapat ‘yong puro lang utos, puro salita, tapos kapag may nagawang maganda ‘yong mga nasa ibaba ko kukunin ‘yong credits. Hindi gano’n ‘yong isang leader. Ang isang leader is ‘yong tutulungan ka na magawa mo ‘yong isang bagay nang maayos at the same time hindi kukunin kung ano man ‘yong idea mo or something na para lang sa pride mo, para lang, “Ay siya ‘yong gumawa niyan kahit hindi naman talaga”

 

Franco (CBAASC Vice President): For me, a leader is someone who influences you to be a better you and brings out the best in you.
Badilla (CBAASC President): Para po sa ‘kin, ang isang lider ay isang tao na handa maging tainga—tainga na makikinig sa lahat ng mga hinanaing ng mga estudyante. Handang maging mata na handang makakita ng mga pagkakamali at mga tama sa loob ng isang kolehiyo at ng mga estudyante. At higit sa lahat, handang maging bibig na magiging boses ng mga estudyante hindi lang sa kolehiyo, hindi lang sa konseho, kundi sa buong University.

Leave a Reply